Karagdagang 133 pulis, tinamaan ng COVID-19

24

Umakyat na sa 20,398 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya.

Sa Facebook post, iniulat ng Philippine Nation Police (PNP) ang karagdagang 133 pulis na tinamaan ng nakahahawang sakit.

Pero 18,673 mula sa kabuuang kaso ang gumaling na kaya aabot na lang sa 1,669 ang active cases.


Nananatili naman sa 56 ang bilang ng nasawi sa hanay ng PNP.

Facebook Comments