SAN CARLOS CITY: BINATA, NAGPATIWAKAL GAMIT ANG KUMOT, PATAY

3217

San Carlos City, Pangasinan – Patay na ang isang binata sa lungsod ng San Carlos ng ito ay madatnan ng kanyang kaanak matapos itong magbigti gamit ang kumot sa Brgy. Caoayan Kiling.

Ginamit ng biktima ang isang kumot na tinatayang may haba ng isang metro. Isinabit niya ang kanyang sarili sa mismong kwarto nito.

Samantala, palaisipan pa din sa mga kaanak ng biktima ang dahilan ng pagpapakamatay nito gayong wala naman umano silang napapansin na kakaiba.


Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa maaaring dahilan ng insidente.

Facebook Comments