Karagdagang 171 na mga Pilipino sa abroad, tinamaan ng COVID-19 ayon sa DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA ang karagdagang 171 na mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

42 na overseas Filipinos ang bagong gumaling at 1 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 24,131 ang kabuuang mga Pinoy sa abroad na na-infect ng Coronavirus.


8,476 sa mga ito ang nagpapagaling pa habang 14,227 na ang kabuuang gumaling.

1,428 naman ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay.

Facebook Comments