Karagdagang 23 milyong matuturukan ng booster dose ng COVID-19, target ng DOH sa unang 100 araw ng panunungkulan ni PBBM

Target ng Department of Health (DOH) ang karagdagang 23 milyong matuturukan ng booster dose laban sa COVID-19 sa unang 100 araw sa pwesto ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Inihayag ito ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, base sa harap ng pagnanais ng pangulo na mas mapadali pa ang pagbibigay ng booster dose para mapalakas pa ang proteksyon laban sa virus.

Sinabi ni Vergeire na nakita rin kasi ni Pangulong Marcos na talagang mabisa ang booster shot para labanan ang COVID-19.


Aniya, kapag naabot nila ang target na bilang para sa booster shot ay saka nila mapag-uusapan ang mga posibleng pagluluwag.

Sa ngayon, mahigit 15.5 milyon na ang nakatanggap ng unang booster shot at mahigit 49.7 milyon ang maaari nang maturukan ng unang booster dose.

Facebook Comments