Karagdagang 245 Filipino repatriates, dumating sa bansa

48

Isa pang batch ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dumating sa bansa ngayong umaga mula Brunei at Abu Dhabi, UAE.

Ito ay binubuo ng 245 OFWs na nagbalik-bansa sa harap ng COVID-19 pandemic.


211 sa kanila ang mula sa Abu Dhabi.

Agad naman na dinala sa quarantine facilities ng gobyerno ang naturang OFWs para sa 14 na araw na mandatory quarantine

Una nang tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sisikapin nila na hindi na aabutin ng mahigit isang buwan sa quarantine facilities ang repatriated OFWs.

Facebook Comments