Karagdagang 4,400 na PUVs pinayagang makabiyahe ng LTFRB simula sa darating na linggo

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbiyahe ng karagdagang 4,400 na public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila simula sa darating na linggo.

Mula sa naturang bilang, 1,800 units ng mga traditional public utility jeep (PUJ) habang 2,600 naman ang mga provincial bus.

Ang mga ito ay bibiyahe sa 250 na rutang pinayagan ng LTFRB.


60 na ruta ang pinayagan sa mga traditional PUJ at 190 naman sa mga provincial bus.

Ito’y bilang pagtalima na rin sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na makapagdagdag ng mga public transport sa pagbabalik ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ).

Facebook Comments