Karagdagang 5,754 na mga contact tracer ang ipapakalat ng pamahalaan sa Metro Manila.
Kasunod ito ng kasunduang nilagdaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Department of the Interior ang Local Government (DILG) kahapon, Labor Day.
Ayon sa DILG, magha-hire sila ng mga karagdagang contact tracers para mapalakas ang contact tracing program at mapigilan ang lalong pagkalat ng COVID-19.
Samantala sa ilalim ng kasunduan, tatlong buwang magtatrabaho ang mga contact tracers at pasasahurin sila ng P537 minimum wage kada araw.
Sa ngayon, nasa 2,696 mula sa 13,304 aplikante na ang nag-qualify sa posisyon.
Facebook Comments