Vlogger Zeinab Harake, nanganak na!

Isa nang ganap na mommy ang sikat na YouTube vlogger na si Zeinab Harake.

April 28 nang isilang ni Zeinab si Baby Bia pero Sabado ng gabi lamang ito inanunsyo ng partner niyang si Daryl Ruiz (a.k.a Skusta Clee).

Sa Instagram post ng rapper, makikita ang larawan ni Zeinab at ng kanilang baby habang nasa ospital.


Say ni Skusta Clee, ang kanya raw mag-ina ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay niya.

Nag-post din si Zeinab ng litrato ni Skusta Clee habang karga si Baby Bia kalakip ang caption na: “My life”.

Facebook Comments