Karagdagang 78 distressed OFWs mula Kuwait, naiuwi na sa bansa sa gitna ng visa issue

Nagpapatuloy pa rin ang repatriation efforts ng pamahalaan sa mga distressed Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Kuwait.

Ito ay sa kabila ng isyu kaugnay sa biglaang suspensiyon ng Kuwaiti government sa visa entry para sa mga Pilipino dahil umano sa paglabag ng gobyerno ng Pilipinas aa labor agreement.

Nakabalik sa Pilipinas ang kabuuang 78 OFWs na dumating sa dalawang batch noong gabi ng araw ng Sabado, Mayo 12.


Ang unang batch ay ang 58 OFWs na sinalubong ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang ang iba naman ay sinalubong ni Deputy Administrator Honey Quiño.

Sa ngayon, hindi pa nakakatanggap ng opisyal na paliwanag mula sa Kuwaiti government ang mga opisyal ng gobyerno ng Pililinas para sa pagsuspinde ng mga bagong entry visa.

Sa nakalipas na taon, nakakatanggap ang Philippine Labor relations sa Kuwait ng tumataas na reklamo ng pagmamaltrato na karamihan ay sa mga Filipino domestic helpers.

Noong Pebrero lamang ngayong 2023, nagpatupad ang Department of Migrant Workers ng pagbabawal sa pagpapadala ng mga first-time Filipino domestic helpers sa Kuwait kasunod ng malagim na pagkamatay ni Jullebee Ranara sa kamay ng anak ng kanyang amo.

Facebook Comments