Dumating na sa Pilipinas ang karagdagang 940,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.
Ayon sa National Task Force against COVID-19 (NTF), 811,980 vials ng Pfizer ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport dakong alas-9:20 kagabi, habang ang 128,700 ang dumating sa Cebu City dakong alas-6:35 kagabi.
Nasa 87,750 doses naman ng bakuna ang nakatakdang dumating sa Davao City ngayong araw.
Dahil sa bagong dating na mga bakuna, umabot na sa 66 milyong COVID-19 vaccines ang natanggap ng Pilipinas.
Inaasahan naman ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang pagdating pa ngayong Setyembre ng mahigit 34 million doses ng bakuna.
Facebook Comments