Dumating kahapon ang karagdagdagang 500 automated counting machines o ACM sa isang hub sa Dagupan City na gagamitin para sa halalan sa 12 ng Mayo.
Noong 28 ng Abril, nauna nang dumating ang nasa 2,689 na units kabilang na ang 491 contingency units nito.
Kaakibat din ng mga dineliver sa warehouse ang mga Consolidated Canvassing System o CCS Kits.
Samantala, anim na pulisya ang nakatoka at nagsasalitan para sa 24 oras na pagbabantay sa lugar.
Ang naturang ACMS na idineliver sa Dagupan City ay gagamitin ng Distrito 4,5, at 6, samantalang ang mga nasa Alaminos City ay gagamitin ng mga nasa Distrito 1,2, at 3. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









