Karagdagang affidavit kaugnay ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, inihain sa Kamara

Manila, Philippines – Naghain ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng karagdagang affidavit sa Kamara kaugnay ng impeachment complaint na inihain nila laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

August 2 nang unang maghain ng reklamo ang VACC kasama ang Vanguard of the Philippine Constitution Inc. (VPCI).

Wala pang kongresistang nag-eendorso sa kanilang reklamo kaya hindi pa ito maaksyunan ng House Justice Committee.


Nag-ugat ang reklamo kay Sereno dahil sa umano’y Betrayal of Public Trust at Culpable Violation of the Supreme Court.

Dahil ito sa mga ginawang desisyon ni Sereno nang walang pahintulot ng SC en banc.

Ilan rito ang pag-iisyu niya ng administrative order para sa bagong Judiciary Decentralized Office, muling pagbubukas ng Regional Court Administration Office sa Central Visayas, pagtatalaga kay Atty. Brenda Jay Mendoza bilang hepe ng Philippine Mediation Center Office gamit lang ang simpleng memorandum at pagbibigay ng travel allowance sa kanyang mga staff galing sa SC funds.

Wala pang komento hinggil rito si Sereno.

Facebook Comments