Makatatanggap ng mga special discounts sa mga bayarin sa hospital,medisina,educational scholarship grant sa kanilang mga anak, cash gift tuwing pasko at iba apng mga benepisyo at pribelihiyo ang mga solo parents kapag naipasa ang panukalang ordinansa na inihain sa konseho ng Pasig City.
Ayon kay Councilor Mario Junjun Concepcion bumuo na sila ng technical working group para pag-aralan ang kahalintulad na ordinansa sa ibang lungsod na posibleng malaking pakinabangan para sa mga solo parents.
Paliwanag ni Concepcion, mayroon pa silang committee hearing kung saan inaanyayahan niya ang lahat ng councilors kung mayroon silang mga katanungan o mungkahi hinggil sa kanyang panukalang ordinansa sa kanilang pagdinig bago isapinal dahil ito aniya ay mahabang proseso pero tiwala siyang maipapasa ang kanyang panukalang ordinansa.
Sa ilalim ng kanyang panukalang ordinansa 1 porsyento sa kabuuang budget ng city government ay ilalaan sa mga benepisyo ng mga solo parents sa lungsod.
Dagdag pa ni Concepcion kukunin ang naturang pondo sa supplemental budget sa susunod na taon dahil naipasa na ang kasalukuyang pondo.