Inirerekomenda ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ang dagdag na benepisyo para sa mga healthcare worker sa gitna ng panawagan ng medical community na magkaroon ng recalibration sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Sa kaniyang public address, nangako si Pangulong Duterte na bibigyan ng karagdagang tulong ang mga medical frontliner.
Batid ng Pangulo ang hirap at sakripisyong ginagawa ng mga healthcare worker ngayong krisis.
Kabilang sa mga ipinasasama sa Bayanihan 2 ay ang pagkakaroon ng insurance, libreng accommodation, libreng transportation, at libreng testing.
Umaasa ang Pangulo na maibibigay ang mga nararapat na benepisyo para sa mga itinuturing na bayani sa panahon ng pandemya.
Facebook Comments