Pangulong Duterte, binigyan ang mga LGU ng hanggang tatlong araw para pabilisin ang proseso ng mga dokumeto

679

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Local Government Unit (LGU) na ilabas ang mga kinakailangang dokumento sa loob ng maikling panahon.


Sa kaniyang public address, sinabi ng Pangulo na dapat inilalabas ng mga LGU ang mga dokumento sa loob lamang ng tatlong araw.

Inatasan din ng Pangulo ang mga korte na agad na maghain ng kaukulang kaso laban sa mga LGU na hindi makasusunod sa kaniyang direktiba.

Bukod dito, maaari din aniyang sibakin ang mga local official sa kanilang mga puwesto.

Bagamat’ hindi malinaw kung sino ang pinapatamaan ng Pangulo, matatandaang ipinag-utos niya sa kaniyang gabinete na magpatupad ng hakbang para mapabilis ang proseso sa pagtatayo ng cellular towers.

Facebook Comments