Karagdagang budget para sa Relief Operations sa Mindanao, hiniling ng NDRRMC

Humiling ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng karagdagang budget para sa Relief Operations sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, nagsumite na sila ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte upang matiyak ang pulong.

Aabot sa apat na bilyong piso ang kakailanganin para sa pagpapatupad ng Relief Operations at sa relokasyon ng mga apektadong residente.


Partikular na ang mga nakatira sa No Build Zones o mga delikadong lugar.

Kasabay nito, siniguro ni Jalad na patuloy ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan.

Tiniyak ng NDRRMC na sapat ang relief goods sa mga apektadong residente.

Sa huling datos, nasa 28 ang nasawi, 417 ang sugatan, higit 231,000 tao ang naapektuhan.

Nasa higit 34,000 istraktura ang napinsala.

Facebook Comments