May iba pang barangay ang nagbukas ng mga quarantine facilities sa Quezon City para sa mga COVID-19 confirmed cases.
Kabilang sa huling binuksan ang mga pasilidad sa Brgy. Nagkakaisang Nayon, Sangandaan, Damayan, Gulod, Paang Bundok, Ramon Magsaysay at Barangay Teresita.
Kasalukuyan ding inaayos para umayon sa health standards ang facility ng Barangay San Antonio.
Samantala, nakipag-partner pa ang Quezon City Local Government Unit (LGU) sa OCTA research, isang grupo ng mga scholars mula sa UP at UST para magbigay ng weekly at bi-monthly comprehensive reports ng COVID-19 trends sa lungsod.
Ito ay para maiprisinta nang malinaw ang data analysis ng nakamamatay na sakit upang ganap na maunawaan ng publiko.
Ilang concerned citizens naman ang nagsabi na mas kinakailangan pa rin nilang makita ang daily updates ng Q.C. Health Department sa social media na itinigil na ng LGU.