COMELEC, may bago ng Commissioner

187

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na may bago ng Commissioner ang ahensya sa katauhan ni Atty. Michael Braganza Peloton.

Siya ay nominated ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang kapalit ni dating Commissioner Luie Tito Guia na nagtapos ang termino noong February 2, 2020.

Ayon sa COMELEC, malaki ang maitutulong ni Peloton sa electoral process dahil ang expertise nito ay Law and Information Technology.

Si Atty. Peloton ay mananatili sa ahensya hanggang sa February 2, 2027 o sa loob ng pitong taon.

Facebook Comments