Karagdagang Fire Substation sa lungsod ng Baguio, asahan!

Baguio,Philippines-Ikatlong Fire Substation binuksan na sa West Quirino Hill sa Baguio City na siyang aasahan ng Barangay Pinget, Barangay Happy Homes at ang kabuuan ng Quirino Hill.

Ayon naman kay Baguio City Mayor Mauricio Domogan, sa ngayon ay plinaplano na ang pagpapatayo ng karagdagang fire substation sa iba’t ibang bahagi ng lungsod para sa mas madaling pagresponde ng mga bumbero. Inaasahang ipapatayo ang ika-apat na fire substation sa bahagi ng Pacdal-Gibraltar at Minesview.

Sa pagbubukas ng fire substation ay nanawagan si Mayor Domogan sa mga residente ng West Quirino Hill na tumulong sa pag gamit, pag protekta at pagalaga sa bagong pasilidad.


Facebook Comments