Karagdagang generator sets, ipapadala ng NEA sa Occidental Mindoro

Nagsanib puwersa na ang energy sector para tugunan ang energy crisis sa Occidental Mindoro.

Ayon kay National Electrification Administration (NEA) Administrator Antonio Mariano Almeda, nagtutulungan ngayon ang Department of Energy (DOE), National Power Corporation, at NEA para mapalakas ang kapasidad sa enerhiya ng probinsya.

Nangako ang energy sector na magpapadala ng karagdagang generator sets.


Ani Almeda, nakikipag-ugnayan na ang NEA sa Philippine Navy para ihatid ang karagdagang generator sets doon.

Hindi naman nagbigay ng eksaktong petsa ang NEA kung kailan makakarating ang generator sets sa Occidental Mindoro.

Facebook Comments