Maraming tanggapan ng LTO, nauubusan na ng plastic cards para sa driver’s license

Iniusod ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsusumite ng bids para sa pagbili ng plastic card para sa driver’s license.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Tugade na iniurong ito ng DOTr sa May 24,2023.

Resulta nito, ngayon pa lamang ay maraming mga tanggapan ng LTO ang tuluyan nang naubusan ng plastic cards para driver’s license.


Una nang inanunsyo ng LTO na papel muna ang iniisyung driver’s license.

Naglabas din ng memorandum circular ang ahensya na nagpapalawig sa driver’s license hanggang October 31, 2023.

Paalala ni Tugade sa publiko, magtanong muna sa LTO offices malapit sa kanilang lugar kung mayroon silang plastic cards.

Maaari naman umanong mag-renew ng lisensya ang drivers ngunit papel muna ang iisyu sa kanila.

Facebook Comments