Isasapinal na ng pamahalaan ang karagdagang guidelines sa para sa face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kasalukuyang nag-uusap ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) kaugnay sa bagong guidelines na isasama sa muling pagbubukas ng physical o in-person classes.
Binabalangkas na aniya ang guidelines na ipapatupad sa face-to-face classes ng basic education, higher education, at technical education.
Matatandaang nagsagawa ang pamahalaan ng limited face-to-face classes sa 287 public at private noong Nobyembre hanggang Disyembre at pinalawig na lamang nitong Enero ng taong kasalukuyan.
Kaugnay nito ay walang naitala ang DepEd na anumang kaso ng COVID-19 sa hanay ng mahigpit 15,000 na mag-aaral na nagkilahok sa pilot implementation ng limited face-to-face classes.