CebuPac, inanunsyong hindi na obligadong sumailalim sa quarantine ang mga pasaherong papasok ng Singapore mula Pilipinas

Inanunsyo ng Cebu Pacific na hindi na rin obligadong sumailalim sa quarantine ang mga pasaherong papasok ng Singapore mula Pilipinas.

Ang kailangan lamang nilang ipakita ay ang kanilang vaccination card na magpapatunay na sila ay fully vaccinated.

Ito ay epektibo sa Huwebes, March 3.


Kailangan ding magpakita ng pasahero ng negative result ng Antigen Rapid Test (ART) o PCR (swab) test, na ginawa sa loob ng forty-eight (48) hours bago ang kanilang flight at kailangan ipapagawa nila ang Antigen Rapid Test o PCR swab test sa testing center accredited ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments