KARAGDAGANG HEALTH RESPONSE TEAM, ISINASA-AYOS NA

Baguio, Philippines – Sa inisyung Executive Order No. 101-2020 (EO 101) noong Hulyo 1, kung saan nakasaad ang pagdaragdag ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) na binubuo ng isang barangay tanod o purok leader, isang barangay health worker, barangay nutrition action officer o barangay nutrition scholar, at isang BHERT sa kada-1000 residente ang dapat humalili sa pagbabantay laban sa Covid-19 at karagdagang BHERT naman sa mga nasa higit sa may 5,000 residente.

Dagdag pa ng alkalde, para mas matulungan ang mga BHERT sa kani-kanilang pamayanan, maari silang magdagdag ng mga Volunteers, physicians, nurses, midwives, sanitary inspectors, population officers, Bureau of Fire Protection staff, City Disaster Risk Reduction Management Office staff para mas maging epektibo ang pagtugon ng BHERT laban sa Covid-19.

Inatasan na din ng mayor ang Special Services Division of the city mayor’s office  na mangasiwa sa paggawa at pagdagdag ng BHERT.


Facebook Comments