Karagdagang isang milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine, dumating na sa bansa ngayong araw

58

Dumating na ang isang milyong doses ng karagdagang Sinovac COVID-19 vaccine sa bansa.

Pasado alas-8:00 ng umaga lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, Bay 49 ang Cebu Pacific flight 5J671 at 0735H lulan ang isang milyong Sinovac vaccine na karagdagang binili ng gobyerno sa China.


Sinalubong nina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer & Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. at ilang opisyal ng Chinese Embassy.

Ayon kay Galvez, mayroon pang darating 2.28 milyong doses ng Pfizer ang darating sa bansa sa kalagitnaan ngayong buwan.

Facebook Comments