Bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur, niyanig ng 4.8 magnitude na lindol

31

Naramdaman ang 4.8 magnitude na lindol sa bayan ng Hinatuan lalawigan ng Surigao del Sur pasado alas-4:28 ngayong umaga.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang epicentro ng pagyanig sa 56 kilometers ng nasabing bayan.


May lalim ang lindol na 22 kilometers at tectonic ang pinagmulan nito.

Nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng Intensity III at Intensity I sa Bislig City.

Hindi naglabas ang ahensya ng tsunami warning alert at wala ring inaasahang aftershock na dulot ng pagyanig.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, wala namang naitalang nasugatan, nasawi o nasirang mga ari-arian na sanhi ng lindol.



Facebook Comments