Karagdagang isang milyong Sinovac vaccine, dumating na sa Marikina Storage facility

Nakarating na pasado alas-9:00 ng umaga sa Pharmaserv, isang cold storage facility sa Marikina City ang isang milyong bakuna laban sa COVID-19 na binili ng pamahalaan mula sa China.

Mahigpit ang seguridad sa harapan ng Pharmaserv kung saan ilang mga miyembro ng pulis, SWAT Team, Highway Patrol Group (HPG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Bureau Fire Protection (BFP) ang nakabantay sa pagdating ng nasabing bakuna.

Pasado alas-8:23 kaninang umaga nang lumabas sa Bay 49 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang 10-wheeler closed refrigerated truck at dalawang 6-wheeler refrigerated closed van lulan ang isang milyong Sinovac vaccine mula sa Beijing, China.


Escorted ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang convoy ng mga sasakayan na may lulan ng naturang bakuna mula NAIA hanggang Marikina City.

Habang ang mga tauhan naman ng MMDA ang umalalay sa trapiko upang hindi maantala ang paghatid ng mga bakuna sa cold storage facility.

Facebook Comments