STA. BARBARA, PANGASINAN – Naglaan ng karagdagang isolation facility ang lokal na pamahalaan ng Sta. Barbara bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa buong probinsya ng Pangasinan at maging sa bayan.
Ang bagong isolation facility sa Brgy. Ventinilla, na matatagpuan sa likod ng dating Municipal Hall complex, ay kayang mag-accommodate ng hindi hihigit sa tatlumpo na indibidwal na asymptomatic, mild to moderate cases.
Sa naturang isolation ay may mga aircon units at maayos na palikuran ang naturang pasilidad.
Sinisiguro ng Municipal Task Force on COVID19 na magiging komportable ang pamamalagi ng mga pasyente sa bagong istruktura, na karagdagang pasilidad sa ngayong temporary treatment and monitoring facilities (TTMF) sa tabi ng Municipal Health Office.
Dagdag pa ng Task Force, isa lamang ito sa maraming hakbang na ginawa ng LGU-Sta. Barbara upang mas mapalakas ang kapasidad ng ating bayan kontra COVID-19.