Magtatayo ng dagdag na mobile isolation facilities ang pamahalaan dahil sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakapagtayo na ang gobyerno ng 110 bed capacity quarantine facility sa Quezon Institute sa Quezon City na magsisilbing extension ng Jose Reyes Memorial Medical Center.
Habang nakatakda na ring dagdagan ng 160 kama sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital o Tala Hospital sa Caloocan.
“This now plans to build mobile tents, Intensive Care Unit (ICU) facilities of up to 200 beds. We’re doing what other countries did at the height of their own pandemics, we’re relying now on mobile hospitals.” ani Roque.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire namagdadagdag na rin sila ng triage areas sa Local Government Units (LGUs) kung saan maaaring magpakonsulta muna ang mga positibo sa COVID-19 para hindi mapuno ang mga ospital.
Kalimitan kasi aniya sa mga naka-admit ngayon ay may mild symptoms o walang nararamdamang sintomas.
Una nang sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) at Isolation Czar Sec. Mark Villar na 61.8% na ang occupancy rate ng mga isolation facility sa Metro Manila at 15% sa buong bansa.