Manila, Philippines – Magtatalaga ng karagdagang K-9units ang Bureau of Customs sa mga ports sa bansa. Ito ay bilang bahagi ngpinagigting na kampaniya kontra iligal na droga.
Ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon, bukod samga X-ray machines, malaki ang nagagawang tulong ng mga K-9 units upangmaharang ang mga iligal na drogang ipupuslit papasok sa bansa.
Aniya, mula pa noong July 2016 kung saan unang pinatupadang War on Drugs, milyong pisong halaga na ng shabu ang kanilang nahaharangpapasok ng bansa, at ilang drug courier na rin ang kanilang naaaresto.
Tinatayang nasa 26 na mga K-9 units ang inaasahan ngCustoms na maidadagdag sa seguridad sa mga daungan, kung saan tiniyak rin niFaeldon na magpapatuloy ang ginagawa nilang mahigpit na pagbabantay sa mgaborder ng bansa.
Karagdagang K-9 units, ide- deploy ng Customs para sa mas pina igting na seguridad
Facebook Comments