KARAGDAGANG KASO NG COVID-19 SA ISABELA, NAITALA

Cauayan City, Isabela- Muling nadagdagan ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Isabela Provincial Information Office as of June 20, 2022, nakapagtala ng pitong (7) karagdagang active cases ang probinsya na naitala mula sa iba’t-ibang bayan.

Ang tatlong (3) panibagong kaso ay naitala sa bayan ng Quezon; dalawa (2) sa bayan ng Mallig at tig-isa sa mga bayan ng Echague at San Mateo.

Kaugnay nito, tumaas sa labing siyam (19) ang total active cases sa Isabela kung saan pinakamarami sa bayan ng Echague na may pitong (7) active cases.

Sa kabuuan, nasa dalawamput walong mga bayan at Syudad pa lamang sa probinsya ang nananatiling COVID-19 free.

Facebook Comments