KARAGDAGANG MADADAANAN TUWING HIGH TIDE SA WEST CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL, HILING NG ILANG MAGULANG

Bubuhatin at mahigpit na paghawak sa braso ang ginagawa ng mga magulang na ito habang sinusundo ang mga anak nila sa paaralan upang hindi mabasa ng tubig dahil sa hightide.

Kaya naman hiling ng ilang magulang ang karagdagang madadaanan tuwing nararanasan ang hightide para sa paghahatid-sundo sa mga anak nilang nag-aaral sa West Central Elementary School sa Dagupan City.

Ayon sa ilang magulang na nakapanayam ng IFM News Dagupan, mahirap umano sa kanila kapag tumataas ang tubig dahil sa high tide at napipilitan na lumusong para tuluyan na maihatid ang kanilang mga anak sa paaralan.

Mayroon naman gripo na mapagdadaluyan ng malinis na tubig upang agad sila na makapag hugas ng mga paa.

Mayroon din inilaan na mga materyal na nagagamit ng mga magulang at mag-aaral para maiwasan na mabasa ngunit naabutan pa rin umano ito kapag lalong tumataas ang hightide.

Mainam pa rin umano kung mayroon na silang sapat na dadaanan para maihatid ang mga bata.

Samantala, ilan pa sa mga road elevation ang kasalukuyang isinasagawa sa lungsod at madagdagan pa matapos na aprubahan ang budget na ilalaan sa nakalinyang proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments