Ikinarga na sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ang karagdagang mga bangkang pangisda para sa mga mangingisdang naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa Bicol Region.
20 fiberglass boat mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region VIII ang isinakay sa BRP Lapu-Lapu ng PCG.
Bukod pa ito sa 50 fiberglass boats na una nang ipinagkaloob sa mga mangingisda sa Bicol Region.
Bukod sa mga fiberglass boats, isinakay rin sa BRP Lapu-Lapu ang mga relief supplies ng Coast Guard Eastern Visayas mula sa donasyon ng mga pribadong indibidwal at organisasyon.
Manggagaling ang BRP Lapu-Lapu sa Tacloban Port sa Leyte at bibiyahe ito papuntang Tabaco Port sa Albay kung saan tatanggapin ng BFAR – Region V ang mga bangka para maipamahagi sa mga apektadong mangingisda sa lugar.