Karagdagang mga transport infrastractures, kailangan sa Metro Manila

Iginiit ng isang Urban Expert na kailangan nang dagdagan ang mga imprastrakturang pang-transportasyon upang masolusyonan ang matinding trapiko sa Metro Manila.

Inirekomenda ni Architect Jun Palafox ang Comprehensive Urban Planning at Traffic Engineering.

Ayon kay Palafox, hindi sapat ang road at sidewalk clearing.


Kailangang dagdagan ang mga pasilidad at imprastraktura.

Aniya, kulang pa ng lima ang kasalukuyang train lines sa Metro Manila.

Kailangan din ng 13 tulay na tatawid sa Pasig River na pwede para sa mga bisikleta at pedestrian.

Inirekomenda rin ni Palafox ang elevated walkway sa kahabaan ng EDSA at sidewalk widening para hikayatin ang mga tao na maglakad kaysa sa gamitin ang mga sasakyan.

Luluwag din ang EDSA kapag binuksan ang walong kalsadang kahilera nito.

Mahalaga ring mailipat ang mga tanggapan ng gobyerno sa mga probinsya.

Facebook Comments