Karagdagang mobile lightning shelter para sa proteksyon ng pasahero at ground workers laban sa kidlat, itinayo sa NAIA ramp

PHOTO: Ninoy Aquino International Airport /Facebook

Itinayo na ang karagdang mobile lightning shelter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 para matiyak pa rin ang kaligtasan ng mga pasahero at ground personel sa panahon ng red lightning alerts.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines, may limang shelter na sa Terminal 3 at nakaplano na ring i-deploy ang dalawa sa remote parking bay at isa sa Ramp 2.

Kasunod nito, inaasahan naman ng Cebu Pacific na makompleto ang pag install ng karagdagang mobile shelter sa katapusan ng Abril.


Samantala, inaasahan naman na maitatayo na sa iba’t ibang lokasyong upang mas mabilis ang pag-access sa mga ramp sa panahon ng pag-resume ng flight operation pagkatapos ng mga RLA.

Sa ngayon, mayaroon nang 11 lightning shelters at 20 lightning arresters na inilagay sa ramp area, kung saan pinoprotektahan ng mga lightning arrester ang mga electrical at communication system mula sa kidlat.

Facebook Comments