Karagdagang modular hospital sa Lung Center of the Philippines, sinimulan na ng DPWH

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng karagdagang modular hospital sa Lung Center of the Philippines.

Ayon kay Public Works Secretary at Chief Isolation Czar Mark Villar, ang nasabing health facility ay parte ng plano ng gobyerno na palawakin pa ang mga kapasidad sa ilang malalaking hospital.

Ito’y upang mabigyan ng kaukulang serbisyong medikal ang mga indibdwal na tinamaan ng COVID-19.


Nasa limang unit ng modular hospital ang planong itayo ng DPWH sa bakanteng lote ng Lung Center of the Philippines.

Isa rin itong additional treatment facility para sa COVID-19 patient na pawang mga moderate, severe at critical condition.

Ang apat na mga unit na ito ay magkakaroon ng 88 kama habang ang isang unit ay magsisibling intensive care unit (ICU) type modular hospital na may 22 beds.

Matatandaan na una ng itinayo ng DPWH ang 8 fully airconditioned rooms na may dalawang may hospital beds kada kwarto na kayang i-accommodate ang 16 na pasyenteng may COVID-19.

Habang una na rin inilagay ang din 16 na kwarto na may double-decker bed na naging temporary shelter ng mga health professionals na nag-aalaga sa mga pasyente.

Facebook Comments