Karagdagang paalala ilalabas ng IATF, hinggil sa nalalapit na pagdiriwang ng Chinese New Year

Naka-agenda sa susunod na pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ilang mga karagdagang guidelines o panuntunan hinggil sa nalalapit na selebrasyon ng Chinese New Year.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, sa Huwebes ang susunod na pulong ng IATF at isa ito sa mga posibleng talakayin.

Aniya, iiral ang mga panuntunan sa ilalim ng Alert level 3 pero maaaring magdagdag pa sila ng mga paalala sa publiko.


Maaari rin aniyang maglabas ng kanya-kanyang ordinansa ang mga Local Government Units (LGUs) upang malimita ang movement ng publiko lalo’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 kung saan bawal ang mga pagtitipon.

Una nang umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na ipagpaliban na muna ang mga pagtitipon kaakibat ng Chinese New Year dahil kahit bakunado na ay pwede pa ring mahawa at makapanghawa.

Facebook Comments