Halos 60 milyong kabuuang populasyon ng bansa, fully vaccinated na

48

Umaabot na sa 57.5 milyon ng kabuuang target population sa bansa ang nakatanggap na ng 2nd dose ng bakuna kontra COVID-19.

Base sa national COVID-19 vaccination dashboard, 65.4 milyon naman ang nabigyan ng 1st dose.

Samantala nasa 6.4 milyon naman ang nabigyan ng booster shot at umaabot na sa 123 milyon ang total vaccines administered.


Bahagya namang bumaba sa higit 500,000 ang naitalang daily jabs.

Facebook Comments