Tinalakay sa ginawang pulong ng Local School board ng Bayambang ang ilan sa mga proyektong imprastraktura na planong maitatag sa mga paaralan.
Inaasahan na mapagbubuti nito ang kakayahang matuto ng mga mag-aaral kung maayos ang mga pasilidad.
Ilan sa mga proyektong ito ay ang mga panukala sa pagtatayo ng covered court para sa Tanolong National High School at drainage system sa Malioer Elementary School.
Pinag-usapan rin ang konstruksyon ng bagong gusali at palikuran para sa mg SPED students ng Bayambang Central School.
Inaasahan na ang mga nasabing panukalang proyekto ay makatutulong upang maiangat ang kalinisan at kalidad na edukasyon sa mga pampublikong paaralan ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









