Karagdagang personnel sa mga paliparan, itinalaga ng Bureau of Immigration kasunod na rin ng inaasahang pagdating sa bansa ng mga delegado para sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Nagtalaga ang Bureau of Immigration ng karagdagang 360 personnel sa paliparan kasunod na rin ng inaasahang pagdating sa bansa ng mga delegado ng 30th Association of South East Asian Nations (ASEAN summit).

Ayon kay Immigration spokesperson Ma. Antonenette Mangrobang, 227 mula sa nabanggit na bilang ay naka on call duty.

Sinabi pa nito na ang mga heads of state na papasok sa bansa ay hindi na kinakailangan pang pumila sa mga Immigration counter dahil may mga nakatalagang opisyal sa mga ito.


Magpapatuloy aniya ang ganitong sistema sa immigration hanggang November 14 o hanggang sa pagtatapos ng ASEAN Summit sa Clark, Pampanga kung saan inaasahan ang mas marami o 4,300 ASEAN delegates.

Facebook Comments