Senator Lacson, nanawagan ng political ceasefire kasabay ng ASEAN Summit

Manila, Philippines – Umapela si Senator Panfilo Ping Lacson sa mga kapwa politiko na tigilan ang bangayan o pag-atake kay Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang administrasyon habang ginaganap sa bansa ang Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit.

Ayaw kay Senator Lacson, maari pa rin naman maglabas ng pagtutol ang oposiyon sa mga usapin at polisya ng gobyerno.

Pero ayon kay Lacson, hindi dapat idaan ng oposisyon ang paglalahad ng kanilang panig sa pamamagitan ng personal na pag-atake sa Pangulo at sa gobyerno.


Ito, ayon kay Lacson, ay upang ipakita sa buong mundo na mas pinapahalagahan ng natin ang kapakanan ng buong bansa at mamamayan kumpara sa kanilang personal na interes.

Facebook Comments