KARAGDAGANG PROYEKTO PARA MAIBSAN ANG PAGBAHA SA DAGUPAN CITY, NAKALINYA NA

Nakalinya na ang mga susunod pang proyekto upang maibsan ang pagbaha sa iba’t-ibang bahagi ng Dagupan City.

Kabilang sa mga isasagawang proyekto ang ilang bahagi ng Bonuan Gueset.

Isa na rito ang bahagi ng Sitio Maligaya kung saan may inilaan nang pondo para pag-upgrade ng PCC Pavement at drainage system doon.

Ani ng ilang residente sa nasabing sitio, malaking tulong ang mga isinasagawang proyekto upang may maayos na madaluyan ang tubig ulan o di kaya baha kapag nakararanas ng bagyo.

Bukod sa Sitio Maligaya ay kabilang rin sa pagsasasagawa ng PCC Pavement at Drainage System ay ilang bahagi ng Barangay Bonuan Binloc, Bonuan Boquig, Calmay, Herrero-Perez, Lasip Grande, Lucao, Mangin, Mayombo, at Poblacion Oeste.

Habang nakalinya rin sa inaprubahang pondo ang Installation ng Screen Metal Separator sa mga creek sa Pogo Grande, Pogo Chico, Malued, Arellano- Pantal, at Careenan- Poblacion Oeste sa nasabing lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments