Karagdagang pwersa ng PNP naideploy na sa Cotabato City

35

Dumating na ang second batch ng mga kapulisan na magsisilbing augmentation force sa Cotabato City.
Simula ngayong araw ay idideploy na rin sa ibat ibang bahagi ng syudad ang mga kapulisan ayon pa kay City Pnp Director SSupt Rolly Octavio sa panayam ng DXMY ngayong umaga.
Tinatayang abot sa humigit kumulang 400 ng PNP na ang idinagdag sa hanay ng City PNP.
Pangunahing responsibilidad ng mga karagdagang pwersa ay para mamaintain ang katiwasayan ng syudad lalo na sa gagawing plebisito dagdag ni CD Octavio.
Bukod sa mga kapulisan mula Region 12, inaasahang 500 mga Special Action Forces pa liban sa 10,000 militar ang nakatakdang idideploy sa Cotabato City sa susunod na mga araw.

Facebook Comments

From Advertisers