KARAGDAGANG PWERSA NG PULIS SA PANGASINAN, ITINALAGA SA SIYAM NA LUGAR

Aabot sa 118 ang karagdagang bilang ng mga pulis sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO).

Disyembre noong nakaraang taon ng ideploy ang mga ito sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.

Kabilang ang bayan ng Lingayen, Binmaley, Calasiao, Binalonan, Villasis, Santa Barbara, at Rosales, pati na rin sa mga lungsod ng Dagupan at Urdaneta.

Ayon kay PLT.Trisha Mae Guzman, tagapagsalita ng Pang PPO, ang karagdagang mga tauhan ay magpapalakas sa foot at mobile patrols, pati na rin sa mga tactical motorcycle units.

Nagbigay din ng kasiguruhan si Guzman sa mga residente na bagamat malapit na ang eleksyon, patuloy nilang bibigyan ng pansin ang pangkalahatang kaligtasan at seguridad ng komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments