Karagdagang pwersa para matiyak ang seguridad sa ikalawang plebisito, dumating na

Dumating na ang dagdag pwersa para sa seguridad sa Lanao del Norte para sa isasagawang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Miyerkoles, Pebrero 6.

Dito ay huhusgahan sa botohan kung papayag ang anim na bayan ng Lanao del Norte na mapasama sa bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Brigadier General Thomas Sedano Jr., commander ng 2nd Mechanized Infantry Brigade, bagaman walang nakikitang banta sa nakatakdang botohan, mas mabuti ng maging handa.


Aniya, may higit 3,000 pulis rin ang ipinakalat ng Philippine National Police (PNP).

Inaasahang aabot sa 380,000 mga botante ang tutungo sa mga presinto para bumoto.

Facebook Comments