Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Genaro Manalo, City Health Officer ng Santiago City, pwede nang tuluyan ang 70 beds na nasa Balintocatoc at una na rin nilang nakausap ang isang hotel para naman sa mga pasyenteng may sapat na pera.
Dagdag pa ni Dr. Manalo, nakipag-ugnayan na rin sila sa DepEd Santiago City para hiramin muli ang tatlong school buildings na siyang gagamitin bilang karagdagang quarantine facilities.
Ipinaliwanag rin nito na mabilis ang pagdami ng kaso ng Coronavirus sa kanilang lugar dahil sa mga dumagsang bisita sa nagdaang Christmas at pagsalubong ng bagong taon.
Sa kasalukuyan, nasa 24 katao ang nasa quarantine facility kung saan 25 ang naka home quarantine samantalang nasa 37 katao naman ang naka-admit sa iba’t-ibang pagamutan.
Samantala, umabot na sa 70 percent ng populasyon ng Santiago City ang nabakunahan kontra COVID-19 at tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pagbabakuna sa mga residenteng wala pang natatanggap na bakuna.