Karagdagang quarantine facility sa QC, malapit nang mapakinabangan ng COVID-19 patients

Magbubukas ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng isa pang pasilidad na pansamantalang tirahan ng mga suspected at confirmed COVID-19 patients.

Ayon sa Quezon City Local Government, ginawa munang HOPE community-caring facility ang Talipapa Senior High School sa Barangay Talipapa na pang-lima na sa kabuuan sa lungsod.

May 67 bed capacity ang pasilidad na kayang tumanggap ng mga suspected at confirmed COVID cases na pangangasiwaan ng mga bihasang healthcare workers.


Pinapayuhan ng Local Government Unit (LGU) ang mga residente na makipag-ugnayan lang sa barangay health office kung kailangan magpa-admit sa HOPE quarantine facility.

Hati naman ang pananaw ng mga residente sa bubuksang pasilidad dahil may kumokontra at sumasang-ayon dito.

Katwiran ng iba na inabisuhan sila na testing center lamang ang gagawin sa lugar at hindi quarantine facility.

Anila, sana man lang inilagay sa hindi mataong lugar ang pasilidad, hindi gaya sa Barangay Talipapa na dikit-dikit ang mga residente na nakatira sa komunidad.

Facebook Comments