Karagdagang Sinovac COVID-19 vaccines, natanggap ng PRC mula sa gobyerno

Nakatanggap ng karagdagang Sinovac COVID-19 vaccines ang Philippine Red Cross (PRC) mula sa gobyerno ngayong araw na makakatulong para sa pagbabakuna ng mga priority groups maging ang mga indibidwal.

Kasabay ito ng pagtatayo ng anim na Bakuna Centers sa Metro Manila at PRC molecular laboratory sa Mandaluyong, PRC Port Area, Manila, Kabaka Compound, Pandacan, Manila, San Lorenzo, Makati, Arcovia City, Pasig at sa PRC Pasay City Chapter.

Ayon kay PRC Chairman and CEO Senator Richard Gordon, tulong ito upang mapalakas ang pwersa ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.


Maliban sa pagbabakuna, nagsasagawa na rin ang PRC ng kampanya laban sa polio at measles-rubella kung saan maraming volunteers ang lumahok katuwang na rin ang Philippine Nurses Association (PNA), Philippine Medical Association (PMA) at iba pang nangungunang medical universities sa bansa.

Facebook Comments