Malalaking malls at business establishments sa Muntinlupa City, nabigyan na rin ng Safety Seal Certifications

Nabigyan na rin ng Muntinlupa Local Government Unit (LGU) ng Safety Seal Certifications ang shopping malls at business establishments sa Muntinlupa City.

Ito ay matapos makasunod ang mga ito sa Minimum Public Health Standards (MPHS) na itinakda ng national government sa harap ng COVID-19 pandemic.

Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pagtungo sa mga establisyimento.


27 ang kabuuang safety seal applications na inaprubahan ng Business Permits and Licensing Office ng lungsod.

Nakatakda na ring pagkalooban ng safety seals ng Muntinlupa LGU ang mahigit 200 pang business establishments na nagsumite ng kanilang aplikasyon.

Facebook Comments