KARAGDAGANG SIYAM NA PAARALAN SA ILOCOS REGION, TARGET PANG MAPABILANG SA LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES

45

Kinumpirma ng Department of Education Region 1 na karagdagang siyam na paaralan sa Ilocos Region ang nominado ngayon para sa limited face-to-face classes.

Ayon kay DepEd Regional Director Tolentino Aquino, naisumite na ng kagawaran ang listahan ng siyam na paaralan sa central office.

Dumaan ang mga paaralan sa School Safety Readiness Tool upang makita ang kahandaan at kaligtasan ng mga mag-aaral na lalahok sa limited face-to-face.


Sinabi ni Tolentino na ang siyam na paaralan ay mula sa Ilocos Sur Division.

Samantala, sa Disyembre malalaman kung aprubado ang aplikasyon ng siyam na paaralan. | ifmnews

Facebook Comments